top of page

KALINGA MENUDONG GULAY

MGA LAYUNIN:

​

Pagkatapos ng araling ito, tayo ay inaasahan na:

  1. Makapagbigay ng dalawa o higit pang sangkap sa menudong gulay;

  2. Idetalye ang mga hakbang ng pagluluto ng menudong gulay;

  3. Sabihin kung magkano ang tubo sa pagbebenta ng menudong gulay; at

  4. Idetalye ang mga benipisyong nutrisyonal ng menudong gulay.

RECIPE

Mga sangkap:

 

  • 1 pakete ng KALINGA powder

  • 1 ¼ kg ng manok na ginayat nang maliliit

  • 3 tasa ng sayote

  • 1 tasa ng carrots

  • 2 ½ tasa ng repolyo

  • 2 tasa ng patatas

  • ¾ tasa ng baguio beans

  • ½ tasa ng evaporadang gatas

  • 1/3 tasa ng sinangag na mani

  • ¼ tasa ng patis

  • 4 butil ng bawang

  • 1 piraso ng maliliit na sibuyas

  • 3 kutsara ng mantika

  • 2 tasa ng tubig

 

Iba pang kagamitan:

  • Kawali

  • Mangkok

  • Plato

Mga hakbang:

           

  1. Gayatin ang lahat ng gulay ng maliliit na pakwadrado.

  2. Tunawin ang KALINGA powder sa kalahating tasang tubig.

  3. Igisa ang bawang, sibuyas, at manok.

  4. Idagdag ang patis.

  5. Igisa naman natin ang sayote, beans, patatas, at carrots.

  6. Idagdag ang tubig at gatas,

  7. Pakuluan ang mixture sa mahinang apoy.

  8. Hintaying kumulo ang gulay at manok.

  9. Pagka-kulo ng tubig, idagdagdag ang mani at repolyo.

  10. Idagdag ang tinunaw na KALINGA.

  11. Haluin ang lahat ng mga sangkap.

  12. Lutuin ito hanggang sa maabot ang nais mong lapot.

BENEPISYONG PANG-NUTRISYON

Ang menudong gulay ay mayroong sangkap na beans at manok na parehong nagtataglay ng protina na nakatutulong sa paglaki. Ang patatas naman ay nagbibigay enerhiya sa katawan. Mayroon din itong repolyo na mayroong fiber na nakatutulong upang magkaroon ng maayos na pagtunaw ng pagkain. Ang carrots naman ay may taglay na beta carotene na tumutulong magpalinaw ng mata at magpataas ng resistensya.

PAGBABADYET

KALINGA Menudong Gulay

Kabuuang gastos kada isang recipe: Php 200.00

Bilang ng pirasong magagawa: 35 servings

Halaga bawat piraso: (Php 200.00 / 35 servings) = Php 5.71 / serving

​

Suggested retail price: Php 10.00/serving

Tubo kada recipe: Php 150.00

Tubo sa isang linggong recipe: (Php 150.00 x 7 araw) = Php 1,050.00

​

PAGBUBUOD

Sa araling ito, ating natutunan kung paano gumawa ng menudong gulay. Hindi kailangang maging mahal ang pagiging malusog at hindi kailangang mapakla ang mga masustansyang pagkain. Sa paghahanda ng menudong gulay, nakagawa na kayo ng pagkaing masarap, masustansya, at mura pa, na nagpapasaya sa mga bata, at puwede niyo pang mapagkakitaan!

​

Sangguniang Babasahin:

​

BIDANI (n.d.). KALINGA cookbook. BIDANI-IHNF University of the Philippines Los Baños:Los Baños. 

PAGSUSULIT

Ang menudo ay isa sa mga paboritong ulam ng Pinoy. Subalit, ito ay may kamahalan dahil sa pangunahing sangkap nito na baboy. Sa araling ito, ating pag-aaralan kung paano gumawa ng menudong gulay na mas masustansayng alternatibo sa nakasanayang menudo.

© 2016 DEVC 145 U-1L, 1st Semester AY 2016-2017

College of Development Communication

UP Los Baños

  • Facebook App Icon
  • YouTube Social  Icon
bottom of page