top of page

KALINGA GABI BURGER

Isa sa mga paboritong pagkain ng mga bata ay ang burger. Kaya sa araling ito, matututunan natin kung paano magluto ng alternatibong burger na mas masustansya at mas swak sa budget nating mga nanay. 

RECIPE

Mga sangkap:

 

  • - 2 tasa ng pulang niyadyad na gabi

  • - 1 ½  tasa ng niyadyad na carrots

  • - 5 kutsarita ng bawang

  • - 4 pakete ng KALINGA powder

  • - 5 piraso ng maliit na itlog

  • -  ¾  tasa ng toyo

  • - ¼ tasa ng sibuyas

  • - 2 tasa ng mantika

  • - 1 kutsarita ng paminta

 

Iba pang kagamitan:

  • Kawali

  • Mangkok

  • Plato

Mga hakbang:

           

  1. Magpainit ng mantika sa kawali.

  2. Kapag mainit na, igisa ang bawang at sibuyas.

  3. Kapag nagkulay golden brown na ang bawang, ilagay ang niyadyad na carrots at gabi.

  4. Idagdag ang toyo at haluin.

  5. Isalin sa isang lalagyan ang ginisang carrots at gabi.

  6. Idagdag ang KALINGA, itlog, at paminta sa mixture.

  7. Haluin itong mabuti. Ito ang magiging mixture ng burger patty.

  8. Sa isang plato, maglagay ng dalawang kutsara ng mixture.

  9. Palaparin ang mixture para magkorteng burger.

  10. Iprito ito sa mainit na mantika.

  11. Kapag kulay brown na ang ilalim, baliktarin ito.

  12. Kapag luto na ang magkabilang gilid, hanguin ito at patuluin ang mantika.

  13. Maaaring ihanda ang burger kasama ng kanin o tinapay.

BENEPISYONG PANG-NUTRISYON

Ang gabi na pangunahing sangkap ng burger ay may taglay na iba’t-ibang bitamina na makatutulong sa pagbibigay lakas at resistensya.

 

Mayroon din itong sangkap na carrots na mayroong beta carotene na nakatutulong sa resistensya ng katawan at nakapagpapalinaw ng mata. Ang beta carotene ay mas madaling ma-absorb ng katawan kapag may kasamang mantika. 

PAGBABADYET

KALINGA Gabi Burger

Kabuuang gastos kada isang recipe: Php 230.00

Bilang ng pirasong magagawa: 45 piraso

Halaga bawat piraso: (Php 230.00 / 45 piraso) = Php 5.11/piraso

​

Suggested retail price: Php 7.00/piraso

Tubo kada recipe: Php 90.00

Tubo sa isang linggong recipe: (Php 90.00 x 7 araw) = Php 630.00

​

PAGBUBUOD

Sa araling ito, natutunan natin kung paano magluto ng KALINGA gabi burger na isang alternatibo sa nakasanayan nating burger mula sa mga fast food. Nalaman din natin kung paano ito gawing negosyo na pangdagdag kita para sa ating mga nanay.

​

Sangguniang Babasahin:

​

BIDANI (n.d.). KALINGA cookbook. BIDANI-IHNF University of the Philippines Los Baños:Los Baños. 

PAGSUSULIT

MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng araling ito, tayo ay inaasahang:

  1. Makapagbigay ng limang sangkap sa paggawa ng KALINGA gabi burger;

  2. Makapagpaliwanag ng pagkakasunud-sunod ng mga hakbang sa paggawa ng KALINGA Gabi Burger;

  3. Kwentahin ang maaaring maging tubo sa paggawa ng KALINGA gabi burger sa loob ng isang lingo; at

  4. Makapagbigay ng dalawang kahalagahang pangnutrisyon ng gabi burger.

​

© 2016 DEVC 145 U-1L, 1st Semester AY 2016-2017

College of Development Communication

UP Los Baños

  • Facebook App Icon
  • YouTube Social  Icon
bottom of page