KALINGA NUTRI-FISHBALLS
Sa araling ito matututunan natin kung paano maghanda at magluto ng KALINGA nutri-fishballs. Ang KALINGA nutri-fishballs ay isang alternatibong meryenda na swak sa panlasa ng mga bata pati na rin ng mga matatanda. Ito ay mura at masustansiya pa.
RECIPE
Mga sangkap:
Para sa Nutri-fishballs:
-
½ kg harina
-
4 pakete na KALINGA
-
1 kutsara ng yeast
-
1 tasa ng niyadyad na kalabasa
-
1 tasa ng niyadyad na karot
-
½ tasa ng dahon ng sibuyas, hiniwa ng pino
-
1 ½ tasa ng sinaing na galunggong, hinimay
-
2 piraso ng itlog na katamtaman ang laki
-
2 kutsarang asin
-
1 kutsaritang pamintang durog
-
1 ½ tasa ng tubig
-
1L ng mantika
​
Para sa sarsa:
-
2 kutsarang suka
-
4 kutsarang toyo
-
2 kutsarang corn starch
-
2/3 tasa ng pula or puting asukal
-
1 ½ tasang tubig
Iba pang kagamitan:
-
Kawali
-
Mangkok
-
Spatula
-
Tongs
Mga hakbang:
Para sa nutri-fishballs:
-
Tunawin ang yeast sa ¼ tasa ng maligamgam na tubig at itabi.
-
Sa isang malaking mangkok, pagsama-samahin ang mga gulay at isda.
-
Idagdag ang itlog at asin.
-
Haluing mabuti at itabi.
-
Sa hiwalay na mangkok, pagsamahin ang harina at KALINGA powder at haluing mabuti.
-
Idagdag sa pinaghalong harina at KALINGA powder ang pinagsama-samang gulay at isda at ang tinunaw na yeast.
-
Unti-unting ilagay ang tubig habang hinahalo nang mabuti.
-
Takpan ang mixture at hayaan umalsa ng 30 minuto.
-
Pag umalsa na ang mixture, maaaring gumamit ng kutsara para makagawa ng maliliit na bilog na fishball.
-
Iprito ang mga ito sa mainit na mantika.
-
Kapag kulay golden brown na ang fishball, maaari na itong hanguin.
​
Para sa sarsa:
-
Tunawin ang cornstarch sa tubig at pagkatapos ay itabi.
-
Sa isang mangkok, paghaluin ang suka, toyo, asukal, at tubig.
-
Isalang ito sa mahinang apoy at hintaying kumulo.
-
Ilagay ang tinunaw na cornstarch at haluin ito hanggang sa lumapot.
BENEPISYONG PANG-NUTRISYON
Ang KALINGA nutri-fishballs ay may sangkap na carrots at kalabasa na may taglay na beta carotene na nakatutulong sa resistensya ng katawan at pagpapalinaw ng mata. Ang galunggong at itlog naman ay pinagmumulan ng protina na makatutulong sa paglaki ng pangangatawan.
PAGBABADYET
KALINGA Nutri-fishballs
Kabuuang gastos kada isang recipe: Php 260.00
Bilang ng pirasong magagawa: 275 - 300 servings
Halaga bawat piraso: (Php 260.00 / 300 servings) = Php 0.87 / serving
​
Suggested retail price: Php 2.00/piraso
Tubo kada recipe: Php 340.00
Tubo sa isang linggong recipe: (Php 340.00 x 7 araw) = Php 2,380.00
​
PAGBUBUOD
Sa araling ito, natalakay natin kung anu-ano ang mga sangkap na ginamit sa pagluluto ng KALINGA nutri-fishballs. Nabanggit din kung ano ang tamang paraan ng paghahanda at pagluluto maging ang mga nutritional benefits na makukuha mula sa recipe.
​
Inaasahan na ang mga natalakay na aralin ay makatutulong sa mga nanay sa paghahanda ng masustansiyang alternatibo sa meryenda ng mga anak.
​
Sangguniang Babasahin:
​
BIDANI (n.d.). KALINGA cookbook. BIDANI-IHNF University of the Philippines Los Baños:Los Baños.
PAGSUSULIT
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Makapagbigay ng dalawa o higit pang sangkap na ginamit sa KALINGA nutri-fishball;
2. Makapaglahat ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa paghahanda at pagluluto ng nutri-fishballs at ng sawsawan nito;
3. Makapagbigay ng kabuuang tubo sa bawat recipe ng nutri-fishballs; at
4. Makapagpaliwanag ng isang kahalagahang pangnutrisyon na naibibigay ng nutri-fishballs.