top of page

KALINGA POLVORON

Ang polvoron ay isa sa mga paboritong panghimagas ng mga Pilipino. Ito ay kilala dahil sa taglay nitong tamis mula sa gatas na siya ring pinagmumulan ng sustansya rito. Sa araling ito, matututunan natin kung paano gumawa ng polvoron gamit ang KALINGA powder.

MGA LAYUNIN:

​

Matapos ng araling ito, ang mga manunood ay inaasahang:

  1. Makapagbigay ng limang sangkap sa paggawa ng polvoron;

  2. Makapagtalakay ng mga hakbang sa paggawa ng polvoron nang magkakasunod;

  3. Makapagbigay ng kabuuang tubo sa bawat recipe ng polvoron; at

  4. Makapagpaliwanag ng kahalagahang pangnutrisyon ng polvoron.

RECIPE

Mga sangkap:

 

  • 5 pakete ng KALINGA powder

  • 1 tasa ng harina

  • ½ tasa ng puting asukal

  • ¾ tasa ng powdered milk

  • 6 kutsara ng tinunaw na margarina

​

Iba pang kagamitan:

  • Kawali

  • Mangkok

  • Molder

  • Yema wrapper

Mga hakbang:

           

  1. Isangag ang KALINGA hanggang sa ito ay mamula.

  2. Habang hinihintay na mamula ang KALINGA powder, isangag ang harina sa loob ng 15 minuto.

  3. Pagkatapos, paghaluin ang KALINGA powder at harina sa isang mangkok.

  4. Ilagay ang gatas, asukal, at margarin sa kaparehong mangkok at haluin ng mabuti.

  5. Palamigin ito at hulahin sa molder bago ibalot sa makukulay na wrappers.

BENEPISYONG PANG-NUTRISYON

Ang polvoron ay may taglay na protina at calcium. Ang protina ay nakatutulong sa paglaki at pagbuo ng himaymay habang ang calcium naman ay nakapagpapatibay ng buto.

PAGBABADYET

KALINGA Polvoron

Kabuuang gastos kada isang recipe: Php 120.00

Bilang ng pirasong magagawa: 65 piraso na 11 grams/piraso

Halaga bawat piraso: (Php 120.00 / 65 piraso) = Php 1.85 /piraso

​

Suggested retail price: Php 3.00/piraso

Tubo kada recipe: Php 75.00

Tubo sa isang linggong recipe: (Php 75.00 x 7 araw) = Php 525.00

​

PAGSUSULIT

PAGBUBUOD

Sa araling ito, natalakay natin kung anu-ano ang mga sangkap na ginamit sa pagluluto ng polvoron gamit ang KALINGA powder. Nabanggit din kung ano ang tamang paraan ng paghahanda at paggawa maging ang mga nutritional benefits na makukuha mula sa recipe.

​

Inaasahan na ang mga natalakay sa aralin ay makatutulong sa mga nanay sa paghahanda ng masustansiyang alternatibong meryenda para sa mga anak.

​

Sangguniang Babasahin:

​

BIDANI (n.d.). KALINGA cookbook. BIDANI-IHNF University of the Philippines Los Baños:Los Baños. 

© 2016 DEVC 145 U-1L, 1st Semester AY 2016-2017

College of Development Communication

UP Los Baños

  • Facebook App Icon
  • YouTube Social  Icon
bottom of page